Nababahala si House Deputy Speaker at 3-term senator Loren Legarda sa kalagayan ng mga Pilipinong mangingisda.
Ito ay sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kung saan ilan sa kanila ang napilitan nang hindi muna pumalaot dahil sa mahal na presyo ng langis.
Ayon kay Legarda, dapat suportahan ang mga mangingisda at mga magsasaka upang maituloy nila ang mga hanapbuhay.
Kasunod nito, sinabi rin ni Legarda na napapanahon na para humanap tayo ng mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya gaya ng renewable resources.
Si Legarda ang may-akda ng mga panukala na Renewable Energy Act, Climate Change Act at ng House Bill 6604 o ang Alternative Fuel Vehicles Act of 2020.
Facebook Comments