Thursday, February 26, 2026

2 patay sa sunog sa Intramuros

Dalawang lola ang nasawi matapos ang malaking sunog kahapon sa Cabildo Street, Barangay 665 sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay Brgy. 655 Chairman Jhonny Yacub, nahirapan sa paghinga ang isa sa senior citizen na nasawi kung saan naisugod pa sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Pansamantala namang tumutuloy sa Delpan Evacuation Center ang mga nasunugan kung saan ngayong Huwebes ng hapon ay naghatid ng tulong pinansiyal, mga gamit at pagkain ang lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sabi ni Manila Department of Social Welfare Director Jay Reyes Dela Fuente, binigyan ng P15,000 ang kada pamilyang apektado.

Tiniyak naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang mgakaragdagang tulong sa mga biktima.

Samantala, sa ngayon ay hawak ng Manila Police District ang 36 anyos na lalaking itinuturong salarin sa sunog na tinangkang kuyugin ng mga galit na residente.

Una nang sinabi ng mga awtoridad na lover’s quarrel o LQ ang naging sanhi ng malawakang sunog na umabot sa ikaapat na alarma at nagresulta sa humigit kumulang P10 milyong pinsala.

Facebook Comments