Pinasususpinde muna ng mga senador ang pagbabayad sa natitirang bayarin at kontrata ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Kasunod ito ng mga nabunyag na iregularidad sa pagbili ng pamahalaan ng COVID-19 pandemic supplies sa nasabing kompanya.
Nabatid na nasa P11.11-billion na halaga na ng kontrata ang naigawad sa Pharmally at may kinokolekta pa ito sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Sabi ni Senator Sonny Angara, sapat na ang pag-amin ng testigo para madiskwalipika ang Pharmally.
Maaari rin aniyang parusahan ang mga opisyal at empleyado ng gobyernong sangkot sa anomalya sa ilalim ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinang-ayunan naman nina Senators Kiko Pangilinan at Ping Lacson ang panukala ni Angara.