Mga pamilyang umuuwi sa kanilang mga probinsiya, patuloy pa ring inaasistihan ng DSWD sa ilalim ng Balik Probinsiya, Bagong Pagasa Program

Photo Courtesy: FB Page | Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may 834 na pamilya ang nakatakda pang pauuwiin sa mga susunod na buwan sa kanilang Lalawigan sa ilalim ng Balik Probinsiya, Bagong Pagasa Program.

Ayon sa DSWD, bahagi umano ito ng 2,000 pamilya na target na pauwiin ng Balik Probinsiya 2 Program ngayong taong 2021.

Paliwanag ng DSWD sa ngayon, may 811 pamilya ang na-assess na ng DSWD Balik Probinsiya 2 Team at ang send-off schedules ng mga benepisyaryong ito ay kasalukuyan nang pinoproseso ng BP2 Program sa tulong ng National Housing Authority at mga receiving Local Government Unit.


Base sa datos ng DSWD, may kabuuan nang 55 pamilya ang nakapag-avail sa programa at nakauwi na sa kanilang mga probinsya.

Facebook Comments