Mga pasahero ng international flights, patuloy na dumaragsa sa NAIA Terminal 1

Patuloy ang pagkapal ng volume ng mga pasahero sa NAIA 1 matapos makansela simula noong Linggo ang daan-daang flights sa NAIA terminals dahil sa technical glitch.

Partikular na dumaragsa sa NAIA Terminal 1 Departure area ang mga pasaherong patungo ng Riyadh, Incheon, Bahrain, Dubai, Taipei, Bangkok, Kuala Lumpur, Narita at Los Angeles, California.

Dumarami na rin ang mga pasaherong patungo ng Kansai, Kuwait, Kaoshiung, Singapore at Dammam.


Kaninang umaga, 11 international flights ang lumipad mula sa NAIA Terminal 1.

Ngayong tanghali naman ay siyam na international flights ang naka-schedule na lumipad.

Una nang sinabi ni MIAA acting General Manager Cesar Chiong na posibleng aabutin pa hanggang Huwebes bago tuluyang bumalik sa normal ang flight operations pagkatapos ng recovery flights.

Facebook Comments