Mga pasilidad para sa telekomunikasyon, natapos nang inspeksyunin matapos ang malakas na lindol ayon sa DICT

Hindi masyadong napinsala ng malakas na lindol ang telecommunication facilities sa northern Luzon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Information and Communications (DICT) Assistant Secretary Anna Mae Lamentillo na tapos na sila sa pag-inspeksyon sa mga communication facility sa regions 1,2,3, at Cordillera Administrative Region (CAR) at wala namang aniyang naitalang pinsala maging sa mga pasilidad ng gobyerno.

Sa kabila nito, nag-deploy pa rin aniya sila ng Very Small Aperture Terminal (VSAT) satellite phones para matiyak ang maayos na linya ng komunikasyon sa ginagawang rescue operations.


Sa kasalukuyan, ayon kay Lamentillo na naibalik na ang lahat ng communication points.

Tumutulong na rin aniya ng telecommunication companies tulad ng globe at smart para sa tuloy-tuloy na linya ng komunikasyon sa pamamagitan ng libreng tawag at wifi stations sa northern Luzon.

Facebook Comments