Hiniling ni Senator Joel Villanueva sa Commission on Elections o COMELEC na maging flexible sa mga patakaran nito ngayong nanatili ang pandemya.
Ayon kay Villanueva, dapat i-review ng COMELEC ang mga patakaran nito at i-ayon sa kasalukuyang guidelines ng Inter-Agency Task Force, Department of Health at mga Local Government Unit (LGU).
Pangunahing halimbawa ni Villanueva na nasa guidelines pa rin ng COMELEC ang pagsuot ng face shield sa pampublikong lugar na inalis na ng IATF ilang buwan na ang nakakalipas.
Giit ni Villanueva sa COMELEC, i-prioritize ang mga botante sa paglalatag ng mga patakaran.
Diin ni Villanueva, dapat palaging ikonsidera ng COMELEC na protektahan ang karapatan ng mga botante na magpakita ng suporta at dumalo sa mga pagtitipon ng mga kandidato.