Mga pedicab driver at siklista, nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno bilang pangulo

Nagpahayag ng suporta ang nasa 50 pedicab driver at siklista sa kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno bilang presidente sa darating na halalan kung saan nag-ikot sila sa San Fernando, Pampanga.

Inikot ng mga siklista ang mga daanan, pamilihan at mga komunidad sa San Fernando dala ang kanilang bandera at damit na may tatak na Isko Muna.

Ayon kay Tri Wheelers Operators and Drivers Association President Teddy Canlas, nararapat na maging presidente si Mayor Isko dahil alam na niya ang gagawin sa katulad nilang mahihirap dahil dumaan din ito ng matinding kahirapan sa buhay.


Sa panig naman ni Sandy Quiwa, lead convenor ng Ikaw Muna Pilipinas ng San Fernando City Chapter masaya sila sa nakitang suporta ng mga kabalen sa pagtakbo ni Moreno.

Si Moreno ay lumaki sa Tondo at nagbenta ng lumang dyaryo at bote, nagbabasura bago naging artista at pulitiko at nakatakdang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy o COC sa pagka-presidente bukas Oktubre. 4.

Facebook Comments