Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Muscat ang mga Pilipino sa Oman kasunod ng shooting attack malapit sa isang mosque doon.
Pinapayuhan din ng embahada ang OFWs sa Oman na maging mapagmatyag sa kapaligiran at sumunod sa mga patakaran ng mga awtoridad sa Oman para sa kanilang kaligtasan.
Tiniyak din ng embahada na mino-monitor nila ang update sa pag-atake at pinapayuhan na maging alerto ang mga Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa bahagi ng Wadi Al-Kabir.
Sa naturang terror attack, 6 katao ang nasawi kabilang na ang isang pulis at apat na sinasabing Pakistani terrorist.
Facebook Comments