Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong naapektuhan ng wildfire sa Hawaii ang humihiling na mapauwi ng Pilipinas.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes, karamihan kssi sa mga Pinoy roon ay permanent residents.
Sinabi ni Cortes na ang posibleng humiling lamang ng repatriation ay ang mga Pilipino na temporary lamang ang paninirahan sa Hawaii.
Tiniyak naman ng DFA na nailikas na ang 50 J-1 o Pinoy teachers na non-immigrant visa holders sa Hawaii.
Sila ay bibigyan din ng tulong pinansyal ng Philippine Consulate sa Honolulu.
Facebook Comments