Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Tripoli na nailikas na sa mas mataas na bahagi ng mga ospital ang Filipino nurses sa Libya na naapektuhan ng malakas na bagyong tumama sa Libya.
Ayon sa embahada, tuloy din ang pag-duty sa mga ospital ng Pinoy nurses na naapektuhan ng Bagyong Daniel.
Ito ay bagama’t hindi pa naibabalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na hinahupit ng bagyo.
Kinumpirma rin ng embahada na walang Pinoy na casualty sa bagyo sa Libya.
Sa ngayon, 1,100 ang mga Pilipino sa Eastern Libya at karamihan sa kanila ay nurses at clinical instructors.
Patuloy naman ang pag-monitor ng Philippine Embassy sa mga apektadong Overseas Filipino Workers (OFWs)
Facebook Comments