Pinapayuhan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong lumikas mula Ukraine na umuwi na lamang ng Pilipinas.
Ito ay sa halip na makipagsapalaran sa ibang bansa sa Europe.
Ayon sa DFA, maraming Pinoy mula Ukraine ang sumabay sa refugees patungo ng iba’t ibang bansa sa Europe ang wala namang makuhang trabaho roon.
Inihayag ni Foreign Affairs Usec. Sarah Lou Arriola na hindi madali maghanap ng trabaho sa Europe at hindi nila alam kung hanggang kailan tatagal ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Bunga nito, mas maigi aniyang umuwi na lamang muna ng Pilipinas.
Facebook Comments