Maraming ospital sa bansa ang mahihirapan kung itutuloy ang panukalang itaas ang sweldo ng mga nurse sa mga private hospitals.
Ito ang inihayag ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) President Dr. Jose Rene De Grano sa interview ng RMN Manila kung saan posibleng ang mga pasyente ang magdusa sa ganitong panukala.
Paliwanag ni De Grano, wala namang pagkukunan ang mga ospital ng pandagdag sa mga sweldo maliban na lamang kung tataasan ang singil ng mga serbisyo.
Bukod pa diyan, kung sakaling itaas aniya ang sweldo ng mga nurse ay kailangan din nilang bigyan ng umento sa sahod ang iba pang medical workers.
Giit pa ni De Grano, mas mataas talaga ang sweldo sa mga pampublikong ospital dahil may nakalaang pondo rito ang gobyerno kada taon.