Mga pulis na nabigyan na ng booster shot, mas dumami

Umabot na sa 220, 248 o 98. 57 percent ng mga tauhan ng Philippine National Police ang nabigyan na ng booster shot laban sa COVID-19.

Una nang sinabi ni PNP public information office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba na sinisikap ng PNP na makumpleto ang pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga tauhan na fully vaccinated bilang karagdagang proteksyon.

Ito aniya ang dahilan kaya nakamit na ng PNP nitong mga nakaraang linggo ang kanilang target na zero COVID cases.


Pero, mayroon pa rin anyang pa-isa-isang iniuulat na bagong kaso ng COVID-19 ang PNP nitong mga nakaraang linggo.

Ngayong araw batay sa ulat Philippine National Police (PNP) Health Service, may isang bagong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Mula ng magsimula ang pandemya, nasa 48,865 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 48,735 ang naka-rekober at 129 ang nasawi.

Facebook Comments