Mga residente sa 7 Barangay sa QC, umaalma na dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa nasunog na cold storage facility

Nababahala na ang mga residente mula sa malawak na komunidad ng Quezon City na baka mauwi sa pagkakasakit ang masangsang na amoy na kanilang na naaamoy dahil sa resulta ng nasunog na cold storage facility sa FPJ Avenue, Brgy. Del Monte, Quezon City.

Nabatid na siyam na araw na ang nakalilipas pero hindi pa rin naitatapon ang nabubulok na mga karne ng baboy, manok, baka, at iba pang mga frozen meat products na nakaimbak sa natupok na cold storage facility.

Dahil dito ay pinakilos na ng QC Government ang iba’t ibang mga departamento para magsagawa ng koordinasyon at pagpaplano para sa mabilisang disposal ng tone-toneladang mga meat products na nasa state of decomposition na.


Kabilang sa mga barangay sa District 4 ng QC na apektado na ng hindi kaaya-ayang amoy ay sa Barangay Del Monte, Paltok, San Antonio, Damayan, Paraiso, Bungad, at Masambong.

Sabi ng QC LGU, nagsasagawa na rin ng kaukulang imbestigasyon para matukoy kung may nangyaring kapabayaan o pagkukulang sa panig ng may-ari ng Pasilidad na natupok ng apoy nitong nakalipas na January 20.

Facebook Comments