Mga senador na hindi sumunod sa Supreme Court ruling sa pagpapalaya sa Pharmally executives, kinastigo

Kinuwestiyon ng depensa ang hindi pagsunod ng ilang senador sa ruling ng Korte Suprema sa Balag vs Senate of the Philippines na may limitasyon ang pagpapakulong ng Senado sa kinasuhan ng contempt at dapat itong palayain kapag nag-adjourn na ang Senate session.

Batay sa kalendaryo ng Senado, sinabi ni outgoing Senate President Vicente “Tito” Sotto na palalayain na sa June 3 kasabay ng sine die adjournment ng Senado, sina Pharmally Executives Linconn Ong at Mohit Dargani na pinatawan ng contempt charge ng Blue Ribbon Committee noong nakaraang taon.

Subalit kinontra ito nina nina outgoing Senators Franklin Drilon at Richard Gordon sa pagsasabing sa Hunyo 30 pa at hindi sa Hunyo 3 dapat palayain ang mga Pharmally executives sa kasong contempt.


Iginiit naman ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel nina Ong at Dargani, na may sistema ng checks and balances na dapat sundin nina Drilon at Gordon.

Sina Ong at Dargani ay 6 na buwan nang nakakulong sa Pasay City Jail nang walang kinahaharap na anumang kasong kriminal.

Facebook Comments