Mga walang trabaho sa bansa sa buwan ng Hunyo 2024, bumaba sa 1.62 million – PSA

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority o PSA na aabot sa 1.62 million ang bilang ng walang trabaho sa bansa nitong nagdaang buwan ng Hunyo o katumbas ng 3.1 percent.

Batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority o PSA mas mababa naman ito kumpara noong Mayo ng kasalukuyang taon na nasa 2.11 million o 4.1 percent at noong Hunyo nang nakaraang taon na nasa 2.33 million o 4.5 percent.

Paliwanag ng PSA sa kaparehong datos, nasa 50.28 million naman ang employed o may trabaho sa bansa noong Hunyo kung saan mas marami kumpara sa 48.87 million noong mayo at 48.84 million noong Hunyo ng nagdaang taon.


Facebook Comments