MIAA, magpapatupad ng mahigit isang buwang scheduled power shutdown sa NAIA-3

Nag-anunsyo ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng power shutdowns sa NAIA 3 hanggang sa May 28, 2024.

Kaugnay ito ng serye ng power maintenance activities dahil sa pagpapalit ng deteriorated medium voltage switch gear components sa 8 electrical substations sa paliparan.

Kabilang sa maaapektuhan ng power shutdowns ang multilevel parking, substations sa South at North concourses, at ang main substation ng NAIA 3.


Sisimulan ang power shutdowns ng hatinggabi kung saan kaunti lamang ang flights.

Tiniyak naman ng MIAA na may naka-stand-by silang generator sets para tuloy-tuloy ang pagproseso sa mga pasahero at sa flights.

Inamin naman ng MIAA na sa oras ng maintenance work ay magkakaroon ng pagbabawas sa air conditioning, bukod sa ilang elevators at escalators ang hindi mago-operate.

Facebook Comments