Migrant Workers Day 2022, ipinagdiriwang ng OWWA sa MOA, Pasay City

Ipinagdiriwang ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Migrants Workers Day 2022.

Layon ng selebrasyon na pasalamatan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagsakripisyo sa ibang bansa para sa kanilang mga pamilya.

Tinatayang aabot sa isang libong migrant workers kasama ang kanilang mga pamilya ang nakilahok sa naturang event na ginanap sa MOA Pasay City.


Pinangunahan ni OWWA Director Hanz Leo Cacdac ang pagdiriwang katuwang ang iba’t ibang Local Government Units (LGUs) sa NCR, BDO at ibang private sector na tumulong sa selebrasyon na may temang “Kabayan sa galing at sakripisyo mo nakabangon ang Mundo”.

Isinagawa rin ang pa-contest sa mga OFWs upang ipamalas ang kanilang mga natatanging talento sa ginanap na pagdiriwang.

Sa pamamagitan ng selebrasyon ng Migrant Workers Day, binigyan ng parangal o Plaque of Appreciation ang ilang individuals na partners ng OWWA na tumulong sa mga OFWs kung saan ginaganap ito tuwing Ika-7 ng Hunyo taon-taon.

Facebook Comments