Tinatayang aabot sa 4.4 milyong kabataan na edad 5 hanggang 20 ang hindi nakapag-enroll nitong Nobyembre nang nakaraang taon batay sa tala ng Social Weather Stations (SWS).
Maliban pa dito tinatayang aabot naman sa 40 percent ng mga kabataang edad 18-20 ang hindi nakapag-enroll, 15 percent sa edad na 5-6, 13 percent sa edad na 16-17, 4 percent sa edad na 12-15 at 3 percent sa mga edad na 7-11.
Isinagawa ang survey nitong November 21 hanggang 25 kung saan tinatayang nasa 1,500 Pilipino ang lumahok sa pamamagitan ng face-to-face interview.
Sa kabuuan ng mga lumahok sa interview, 80% ang nagmula sa Modular Distance Learning (MDL), 14 percent sa Online Distance Learning (ODL), 1% percent sa Traditional Face-to-Face Learning (F2F), at 0.1 percent sa TV/Radio-Based Instruction.