Mobile Internet sa bansa mas bumilis pa noong nagdaang buwan ng Oktubre

Mas bumuti pa ang mobile internet speed sa bansa noong nagdaang buwan ng Oktubre.

Batay ito sa pinakahuling Ookla Speedtest Global Index report kung saan nakapagtala ng average download speed na 38.12Mbps noong Oktubre kumpara sa 35.03Mbps noong Setyembre.

Ang nasabing download speed ay kumakatawan sa 8.82% month-to-month improvement para sa mobile internet at katumbas ito ng improvement na 412.37% simula nang mag-umpisa ang Duterte administration noong July 2016.


Samantala, bahagya namang bumaba ang fixed broadband speed sa bansa nang makapagtala ng 71.08Mbps noong Oktubre kumpara sa 71.85Mbps noong Setyembre.

Kumakatawan naman ang nasabing dato sa speed improvement na 798.61% mula nang mag-umpisa ang Duterte administration.

Magugunitang iniutos ni Pangulong Duterte na pabilisin ang proseso sa pag-iisyu ng Local Government Unit (LGU) permits sa mga telco.

Ang pagbuti ng internet speed sa bansa ay dahil sa mas mabilis na pagtatayo ng imprastraktura ng mga telco kabilang ang cellular towers at fiber optic network.

Facebook Comments