Nanawagan ngayon ang isang mambabatas sa Department of Education (DepEd) na imbestigahan ang nakakasakit o hindi magandang paglalarawan sa mga Igorot sa mga libro at modules na ginagamit ng mga mag-aaral ngayon blended learnings.
Agad na sinulatan ni Mountain Province Representative Maximo Dalog Jr. si Education Secretary Leonor Briones matapos na mabasa ang isang “discriminatory remarks” sa mga Igorot na nakasulat sa modules ng mga bata.
Nabatid na trending ngayon sa social media ang hashtag na “Proud to be Igorot challenge” matapos gayahin ng mga netizen ang larawan sa module na isang lalaki na nakasuot ng traditional na kasuotan ng mga Igorot.
Ang nasabing libro ay may pinamagatang “Masayang Buhay (Binagong Edition 2001), at may larawan ng lalaki na kulot at may caption na “Isa akong Igorot. Kulot na kulot ang itim kong buhok.”
Kasabay nito, humingi naman ng paumanhin ang publisher nito na Saint Matthew’s Publishing Corporation at sinabing 2018 pa nila pinull-out ang nasabing libro at wala na ito ngayon sa sirkularsyon.