MRRD Central Luzon, lumipat kay VP Leni

Nanindigan ang pro-Duterte volunteer group na Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) mula sa Central Luzon Chapter sa kanilang deklarasyon na suportahan ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Inilipat ng Mayor Rodrigo Roa Duterte Agila Central Luzon Chapter na sumasaklaw sa may 8,000 kasapi ang kanilang suporta mula kay Mayor Isko tungo kay VP Leni.

Ipinaliwanag ni MRRD Agila Region 3 Bulacan Chapter Head Rolando Torres na ang desisyon ng kanyang grupo ay kolektibong desisyon na lumipat kay VP Leni dahil pagkatapos ng ilang konsultasyon sa kanilang mga pinuno at miyembro.


Napagkaisahan nila at pinaniniwalaan na si VP Leni  ang may kakayahan mamuno at halos walang dungis sa track record at naitala ng mahusay sa kanyang panunukulan .

Nang tanungin tungkol sa kanilang napiling kandidato sa pagka Bise Presidente, sinabi ni Torres na bukas pa rin ang kanilang grupo at gagamitin ang kanilang kalayaan sa pagpili.

Sinabi naman MRRD Agila Bulacan Chapter Director Sophie Macmod na sa kanyang murang edad noon ay  marami siyang pinag-daanan na pangamba sa panahon ng Batas Militar. Tinutugis sila  ng mga military sa pag-aakala na ang kanyang kaanak ay mga rebelde.

Aniya, ayaw niyang manumbalik ang madilim na karanasan ng panahon ng Batas Militar at naniniwala siya sa magandang bukas na inihahain  ni VP Leni.

Sinabi naman ni MRRD Agila Valenzuela Chapter head Alejandro Cabasag na hindi sila tumitingin sa mga kulay at walang nagsabi na pumunta sa pula. Hinihikayat niya ang higit pang mga kapanalig na lumantad  at  manindigan na suportahan si VP Leni.

Ipinahayag naman nina dating MMDA General Manager Tim Orbos, DENR Asec Rommel Abesamis, at IMk Leni Convenor Elmer Argano na  malugod nilang na tinatanggap ang grupo at ang kanilang desisyon na magkaisa at mangampanya para sa presidential bid ni VP Leni.

Malugod na tinatanggap ni Orbos ang grupo, sinabi niyang kinikilala niya ang kahalagahan ng lahat ng tulong, lalo na ang Bulacan at Central Luzon sa kampanya ni VP Leni na kakaunting oras na lang ang natitira sa panahon ng halalan.

Facebook Comments