Ginawa ang pahayag kasunod ng napabalita na may bagong variant ng COVID-19, tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ibang bansa at prediksyon na posibleng tumaas ang kaso matapos ang Holy Week kung saan maraming umuwi sa kanilang probinsya.
Dahil dito muling hinimok ang mga residente na magpabakuna, magpa-booster bilang dagdag proteksyon sa nakamamatay na sakit.
Sa ngayon naglabas ng listahan ng vaccination site ang local na pamahalaan na maari nilang puntahan.
Sa Kaunlaran High School 2nd dose ng Pfizer ang availabe mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.
Walkin ng 1st dose, missed ng 2nd dose, at booster sa:
• Kaunlaran High School
• Tumana Health Center
• Navotas City Hospital
• Bagong lipunan Health Center
• San Roque Health Center
• Tangos Health Center
• Tanza at NBBN Health Center
May schedule din sa Tumana Health Center, Navotas City Hospital sy Bagong lipunan Health Center na bakunahan para sa 5-11 years old.
Sa ngayon nasa nasa 211,000 na ang nakatanggap ng 1st at 2nd dose kotra COVID-19 sa lungsod
Habang 55,000 naman ang nakapagpa-booster.