Muntinlupa-LGU, inihinto muna ang pagbibigay ng second dose ng Sinovac dahil sa naantalang pagdating ng bagong supply

Inihinto muna ngayong araw, July 12 ang pagbibigay ng second dose ng Sinovac vaccine sa Muntinlupa City.

Kasunod naman ito ng abiso ng National Task Force Against COVID-19 sa inaasahang pagkaantala ng dating ng bagong supply ng Sinovac vaccine sa bansa.

Tuloy naman ngayong araw ang Sinovac second dose ng vaccination sa Festival Mall at SM Center Muntinlupa at magsisimula ang pagsuspinde rito bukas, July 13.


Tuloy naman ang pagbibigay ng clarified second dose ng Pfizer-BioNTech vaccine dahil hindi naman ito sakop ng suspension advisory.

Sa pinakahuling tala ng Muntinlupa Health Office, may kabuuang 152,900 na indibidwal ang nabakunahan ng first dose o katumbas ng 39.6 percent ng target population na 385,725.

Habang 65,164 na indibidwal ngayon ang fully vaccinated matapos makakuha ng second dose.

Ito ay katumbas ng 16.9 percent ng target population.

Facebook Comments