Naganap na pambobomba sa Koronadal at Tacurong, kinondena ng militar

Mariing kinondena ng militar ang kambal na pambobomba sa Koronadal City, South Cotabato at Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon.

Ayon kay Joint Task Force Central (JTFC) at 6th Infantry Division acting Commander Brigadier General Eduardo Gubat ang paggamit ng Improvised Explosive Device (IED) para ilagay sa panganib ang buhay ng mga inosenteng sibilyan ay lantarang paglabag sa International Humanitarian Law

Sa pagsabog sa Koronadal City, South Cotabato isang tricycle driver ang sugatan.


Habang wala naman iniulat na nasaktan sa pagsabog ng IED sa isang bakanteng lote sa Barangay New Carmen, Tacurong City, Sultan Kudarat, kasunod ng unang pagsabog.

Utos ni BGen. Gubat sa lahat ng units ng JTFC at 6ID units na paigtingin ang checkpoint operations at intelligence monitoring kasama ang PNP para matukoy ang mga responsable.

Panawagan naman ng heneral sa mga residente na manatiling kalmado habang isinasagawa ng mga awtoridad ang lahat ng hakbang upang matukoy at mapanagot ang mga salarin.

Facebook Comments