Nasa mahigit kalahating bilyong piso na ang halaga ng mga narekober na shabu sa karagatang sakop ng Ilocos Sur.
Sa impormasyon ni Police Regional Office 1 Regional Director, BGen. Lou Evangelista sa Camp Crame, ang pinakahuling narekober na shabu ay tumitimbang ng 997.51 grams o may standard drug price na P6.7M.
Natagpuan ang mga shabu sa baybayin ng Brgy. Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur nitong Sabado.
Maaalalang, kamakailan lamang, 80 packs ng shabu na nagkakahalga ng mahigit P550 milyon ang narekober sa coastal waters ng San Juan, Caoyan at Magsingal, Ilocos Sur.
Sa kabuuan, nasa 81 pakete na ng shabu ang natatagpuan.
Nakitang palutang-lutang ang mga iligal na droga sa tulong narin ng mga mangingisda sa nasabing lugar.
Facebook Comments