Pinamo-monitor ng grupo ng mga magsasaka sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang mga pumapasok na agriculture products sa bansa lalo na ngayong holiday season.
Apela ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President at Chairperson Rosendo So, dapat tutukan ng DA at BOC ang mga pumapasok na agricultural product sa bansa lalo na’t talamak na naman ang smuggling.
Sinabi ni So na ang nasasabat ngayon na smuggled na sibuyas ay sampung porsyento lang ng kabuuang smuggled onion na pumapasok sa bansa.
Bukod dito, may ilang smuggler din aniya ang hindi nasasampahan ng kaso.
Kamakailan lang, aabot sa 3.9 million pesos na halaga ng smuggled na puting sibuyas ang nakumpiska sa Divisoria sa Maynila.
Facebook Comments