Inilabas ng National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) ang mga kuhang larawan ng 1,517 printed at posted election returns, gayundin ang mga resulta ng mga bandwidth tests sa pamamagitan ng NAMFREL app.
Ito’y mga election returns na kuha ng mga botante noong 10:19pm ng May 9, 2022.
Ayon sa NAMFREL, ang mga photo captured na election results ay tumutugma sa mga nai-trasmit electronically na Election Returns sa Transparency Server.
Ayon pa sa NAMFREL, may kabuuang 2,195 bandwidth tests din ang kanilang sinuri sa pamamagitan ng NAMFREL app mula sa iba’t ibang lokasyon sa buong bansa.
Lumilitaw na 73.91 percent itong tugma sa transmission rate ng election returns sa Transparency Server noong 10:32 PM, 9 ng May 2022.
Layon ng crowdsourcing application na mahikayat ang mga botante na tumulong para protektahan at gawing transparent ang election process.