Nasa 14 na lechon establishment, pansamantalang ipinasara matapos matuklasang may ilang baboy na nagpositibo sa ASF

Pansamantalang ipinasara ang 14 na lechonan matapos na matuklasang nagpositibo ang ilang baboy sa African Swine Fever (ASF) kasunod nang isinagawang inspeksyon sa La Loma, Quezon City.

Sa inilabas na pahayag ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City, naglabas na ng Temporary Closure Order ang Quezon City Business Permits and Licensing Department (BPLD) alinsunod sa rekomendasyon ng Bureau of Animal Industry, CVD, at City Health Department (CHD).

Bahagi umano ito ng regular na pagsusuri ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ngayong Kapaskuhan.

Tiniyak naman naman ng awtoridad na isolated ang kaso ng ASF sa lugar at walang banta sa ibang pamilihan sa lungsod, nagsimula na rin ang disinfection at paglalagay ng checkpoints upang makontrol ang paggalaw ng mga baboy papasok at palabas ng La Loma.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang QC-LGU sa mga apektadong negosyante upang matiyak na ligtas at de-kalidad ang ibinebenta nilang lechon sa publiko.

Nanawagan din sila sa mga mamamayan na maging mapanuri at makipagtulungan para sa kalinisan, kaligtasan, at kapakanan ng lahat ng mamimili.

Facebook Comments