Nasa 68-K na pamilya mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na naapektuhan ng Bagyong Crising at habagat, napadalhan na ng tulong ng DSWD

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nahatiran na nila ng tulong ang ating mga kababayan na naapektuhan ng Bagyong Crising at habagat.

Sa Saturday news forum, sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, na naipaabot na umano ng ahensya ang tulong sa mahigit 68,000 na pamilya o nasa 215,000 na mga indibidwal sa mahigit 400 na mga barangay mula sa Ilocos Region, MIMAROPA, Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN at CARAGA Region.

Sa inisyal rin na monitoring ng ahensya pagkain ang nangunguna sa kailangan ng mga naapektuhan ng habagat at bagyo.

Una nang sinabi ng DSWD na mayroon nang 3,000,000 family food packs ang naka-preposition na sa buong bansa para tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Facebook Comments