National El Niño Team, handa sa magiging epekto ng matinding tag-tuyot sa bansa

Nagpulong ang 17 ahensya ng pamahalaan upang lubos na mapaghandaan ang inaasahang matinding epekto ng El Niño sa bansa.

Ayon kay Civil Defense Administrator at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Ariel Nepomuceno tinalakay sa pulong ang iba’t ibang mitigating measures.

Aniya, pangunahing concern ay ang tubig lalo pa’t posible pa rin ang pagbaba ng tubig sa Angat dam na 90% na pinagkukuhanan ng tubig sa Metro Manila.


Kasama rin sa mga natalakay ay ang long-term plans para sa food security, water security, energy security, health, public safety at cross cutting issues.

Samantala, isinasipinal na aniya ang National Action Plan for El Niño.

Paliwanag ni Nepomuceno, kino-consolidate na lamang ito at inilalagay sa kontekstong madaling mauunawaan ng publiko.

Ang nasabing National Action Plan ay naayon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpatupad ng science-based, whole-of-nation strategy para tugunan ang epekto ng matinding tag-tuyot sa bansa.

Facebook Comments