National Prosecution Service, mag-iimbentaryo sa kaso ng mga rebeldeng nabigyan ng amnestiya ng Pangulong Duterte

54

Aatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Prosecution Service na magsagawa ng imbentaryo sa mga kaso ng mga rebelde at komunista na ginawaran ng amnestiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Guevarra, hindi otomatikong mababasura ang mga kaso laban sa mga rebelde at komunista na kasama sa amnestiya.


Paliwanag ng kalihim, kailangan pa rin na masala at ma-evaluate nang mabuti ng National Amnesty Commission ang mga taong maaaring eligible sa amnestiya.

Ito ay para aniya matiyak na kwalipikado talaga ang mga ito sa amnestiya na kinakailangan din ng pag-apruba ng Kongreso.

Facebook Comments