National Security Council, pinakakasuhan si Cong. Alvarez sa DOJ

Kasunod ng naging panawagan ni Philippine Marine Corps Reserve Col. at Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez na i-withdraw na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang suporta nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nananawagan si National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa Department of Justice na ikonsodera ang pagsasampa ng kaso laban sa opisyal.

Sa isang statement, sinabi ni Año na ang naturang pahayag mula sa isang opisyal ng pamahalaan at reserve officer ay hindi lamang maituturing na iresponsable, kundi ilegal at labag sa Konstitusyon.

Sinabi pa ni Año na seditious o rebellious ang naturang pahayag ng mambabatas na walang puwang sa sibilisadong lipunan.


Pagbibigay diin ng kalihim, ang AFP at PNP ay neutral at apolitical kung saan ang interes lamang ng taumbayan ang pinoprotektahan.

Aniya, hindi dapat idamay ni Alvarez ang Pambansang Pulisya at Sandatahang Lakas sa anumang interes o personal na agenda nito.

Facebook Comments