NBI, tinutugis na rin ang mga suspek sa pagpatay sa isang piskal sa Cavite

885

Pinakilos na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) para tugisin ang mga suspek sa pagpatay kay Fiscal Edilbert Mendoza.

Ang 48-taong gulang na deputy city prosecutor ay binaril sa mismong tapat ng tahanan nito kaninang umaga sa Trece Martirez, Cavite.

Nakita pa sa CCTV footage na isang lalaki ang lumapit kay Mendoza at binaril ito sa ulo.


Ayon kay Sec. Guevarra, ang naturang krimen ay patunay lamang na napakadelikado ng buhay na kinakaharap ng mga prosecutor sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Facebook Comments