NCR at anim na lungsod sa bansa, nasa critical risk na sa COVID-19 – OCTA

Inihayag ng OCTA Research Group na nasa critical risk na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR) at anim na lungsod sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, umakyat na sa 120.16% ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR mula sa dating 117.24% kung saan itinuturing itong “severe” habang bumaba naman sa 3.34 ang reproduction number o bilis ng hawaan.

Bukod dito ay nasa “very high” category na rin ang ADAR ng Baguio; Naga, sa Bicol; Angeles, Pampanga; Santiago, Isabela; Dagupan, Pangasinan; at Lucena, Quezon.


Nasa “high” category na rin ang Cebu City, Iloilo City, Lapu-Lapu, Olongapo, at Tacloban.

Dagdag pa ng OCTA na posibleng pumalo sa 40,000 ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw.

Facebook Comments