NCRPO, muling gagamit ng yantok sa darating na Simbang Gabi; ilang paputok na ipagbabawal at papayagan sa pagsalubong ng Bagong Taon, inilabas

Muling gagamit ng ‘yantok’ ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa darating na Misa de Gallo o Simbang Gabi sa December 16.

Ito ay para matiyak na sumusunod ang lahat sa physical distancing na ipinapatupad sa mga simbahan.

Ayon kay NCRPO Police Major General Vicente Danao, gagamitin nila ito sa mga agresibong indibidwal na hindi sumusunod sa utos.


Una na ring ginamit ang yantok noong nakaraang taon nang isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Kasabay nito, inilabas naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga paputok na bawal at papayagan pa rin ngayong Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon.

Ang mga paputok na bawal na ibenta, bilhin at gamitin ay ang;

1. Watusi
2. Piccolo
3. Poppop
4. Five Star
5. Pla-Pla
6. Lolo Thunder
7. Giant Bawang
8. Giant Whistle Bomb
9. Atomic Bomb
10. Atomic Triangle
11. Large-size Judas Belt
12. Goodbye Delima
13. Hello Columbia
14. Goodbye Napoles
15. Super Yolanda
16. Mother Rockets
17. Kwiton
18. Super Lolo
19. Goodbye Bading
20. Goodbye Philippines
21. Bin Laden
22. Coke-in-can
23. Pillbox
24. Boga
25. Kabasi

Habang ang mga papayagang bilhin, gamitin at ibentang paputok ay ang;

1. Butterfly
2. Fountain
3. Jumbo Regular and Special
4. Luces
5. Mabuhay
6. Roman Candle
7. Sparklers
8. Trompillo
9. Whistle Device

Facebook Comments