Patuloy na bine-beripika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang report na may tatlo pang nawawala sa Caraga Region sa pananalasa ng Bagyong Auring.
Sa interview ng RMN Manila kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, sa initial report, nakasakay sa bangka ang mga ito nang tangayin ng malakas na agos ng tubig.
Pero sa ngayon, sinabi ni timbal na dalawa pa lang ang kumpirmadong nawawala habang isang bata ang nasawi sa Caraga Region dahil kay Auring.
Sa latest update ng NDRRMC, nasa kabuuang 31,884 pamilya sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, at Bicol Region ang apektado ng Bagyong Auring.
Nasa 60 bahay ang totally damaged habang 180 naman ang partially damaged habang kabuuang 11 kalsada at tulay ang apektado.
Facebook Comments