NIA, walang naitalang flooding incident sa Isabela at Aurora

Walang naitalang mga pagbaha sa lalawigan ng Isabela at sa munisipalidad ng Aurora sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Sa isang press conference, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda, epekto ito ng ipinatupad na bagong protocol.

Ito’y kung saan dalawang araw palang bago tumama ang bagyo ay binubuksan na ang isang gate ng dam para hindi umabot sa spilling level.


Samantala, naitala na sa 17.8 meters ang lebel ng tubig sa Bustos Dam. ito ay lampas na 17 meters na spilling level nito.

Tibiyak naman ni Antiporda na maagang nabigyang babala ang mga barangays sa mga Municipalidad ng San Rafael at Bustos para maging alerto sakaling kailanganing lumikas.

Tinanggalan naman ng hangin ng NIA Region III ang dalawa nitong rubber gates para kontrolin ang pagpapalabas ng tubig sa Ipo Dam.

Ayon pa sa NIA, walang naitalang pinsala sa kanilang mga impraistraktura sa paghagupit ng bagyo.

Facebook Comments