Pinalawig pa ng Korte Suprema ang Memorandum Circular na unang ipinatupad noong Agosto 4, 2021 ang No Personal Filing Policy, dahil na rin sa nakakaalarmang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at karatig-lalawigan.
Nababahala ang Korte Suprema sa naturang pagtaas ng bilang, kaya’t nagpasya ang Kataas-taasang Hukuman na babawasan ang bilang ng mga empleyadong papasok simula ngayong araw hanggang sa Setyembre 21 ngayong taon.
Base sa ipinalabas na Memorandum Order no. 77-2021, lilimitahan na lamang ang bilang ng mga kawani na papasok simula Setyembre 8 ngayong araw, hanggang Sept. 21 kung saan tanging mga lubos na kailangang staff na hindi lalagpas ng 15% sa kanilang kabuuang bilang ang pinapahintulutang pumasok sa ilang tanggapan na nasa ilalim ng Korte Suprema.
Ang malaking bilang o 30% ng mga empleyado ay kailangang mag-report sa Office of the Bar Confidant (OBC), Medical at Dental Services, Security Division at Maintenance Division.
Mahigpit din ang ginagawang monitoring oras-oras sa mga empleyado upang matiyak ang kanilang kalusugan.
Ito ang ikalawang beses na pinalawig ang naturang memorandum.