NSC, nanawagan sa China na igalang ang civilian mission sa WPS

Nanawagan ang National Security Council (NSC) sa China na hayaang makapaglayag ang mga barko ng Pilipinas para sa kanilang civilian mission sa West Philippine Sea.

Ito ang pakiusap ng NSC sa gitna ng mga ulat na magpapadala ang China ng ‘huge force’ sa Scarborough Shoal para sindakin ang ikalawang convoy ng Atin Ito Coalition.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, umapela si NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na sana’y igalang ng China ang civilian mission dahil hindi naman konektado ang mga ito sa gobyerno.


Kasama rin aniya sa aktibidad ang mga kilalang personalidad kaya pwedeng i-check ng Chinese Government kung gusto nilang makasiguro.

Dagdag pa ni Malaya, makasasama rin para sa China kung magkakaroon ng insidente sa naturang civilian mission.

Umaasa ang opisyal na magiging matagumpay ang pakay ng Atin Ito Coalition na maghatid ng tulong sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc.

Facebook Comments