Maaring mabuwag sa ilalim ng Alert Level Zero ang National Task Force Against COVID-19 sakaling maisakatuparan ng gobyerno ang National Action Plan Phase 5 sa ilalim ng Alert Level 0.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, kapag naibaba na sa Alert Level Zero ang bansa ay ang Local Government Units (LGU) na ang mamumuno sa policy-making at management ng COVID-19 cases.
Pero mananaitli aniya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (AITF-EID).
Base sa Executive Order, kapag mayroong endemic ay kailangan tumugon dito ang IATF.
“Pinalalakas po natin iyong ating mga lokal na gobyerno kasi kapag nag-alert level system o Alert Level Zero na tinatawag eh talagang ang frontliner dito iyong mga local governments kaya isa sa mga gagawin po natin eh palakasin natin ang ating mga local government para ma-address itong mga potential na mga endemic na mangyayari sa kanilang mga lugar kasama na ang COVID-19.
At papasok ang national government kapag medyo napariwara at medyo kumalat sa buong bansa, papasok po diyan ang national government, papasok po ang IATF para sa policymaking and implementation at tutulungan ang mga lokal na gobyerno.” ani Densing
Iginiit naman ni Densing na sasaklawin ng National Action Plan Phase 5 ng gobyerno ang economic recovery ng bansa mula sa epekto ng COVID-19.