NTF-ELCAC, nanawagan sa mga Filipino na isulong ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa

Kasunod nang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison, umaapela ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa publiko na magkaisa tungo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Ayon kay NTF-ELCAC Secretariat Executive Director Emmanuel Salamat, ipinagpapatuloy ng pamahalaan ang whole-of-nation approach upang wakasan ang local communist terrorist groups nang sa ganon ay mapanatili ang kapayapaan sa buong bansa.

Ani Salamat, tapos na ang era ng madugong pakikibaka kung saan sentro ng kanilang operasyon ngayon ang pagbibigay ng edukasyon sa ating mga kababayan upang maituwid ang maling ideyolohiya na itinatak sa kanila ni Sison.


Paliwanag pa nito, isang bagong yugto sa buhay ng mga Filipino ang naghihintay upang matamasa ang inclusive growth, peace and development.

Facebook Comments