NTF-ELCAC, walang ipapalit kay VP Sara matapos itong magbitiw bilang kanilang vice chairperson

Magsisilbi din bilang co-vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Chairperson Eduardo Año.

Ito ang sinabi ni NTF-ELCAC Spokesperson Joel Egco makaraang magbitiw si Vice President Sara Duterte bilang kanilang co-vice chairperson.

Ani Egco, tuloy ang trabaho ng task force at wala naman masyadong malaking pagbabago.


Mananatili pa rin aniya ang kanilang mandato na panatilihin ang whole-of-nation approach upang mapigilan ang communist terrorists, kanilang front organizations at iba pang lawless elements sa pag-recruit, regrouping at pag-regain ng kanilang puwersa sa mga malalayo at liblib na lugar sa bansa.

Nauna nang sinabi ng NTF-ELCAC na iginagalang nila ang naging desisyon ni VP Sara kung saan ang kaniyang pamumuno at matibay na paninindigan sa misyon ng NTF-ELCAC ay naging mahalaga sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Pilipinas.

Facebook Comments