Oblation Run, muling isinagawa sa UP Diliman makalipas ang tatlong taon

Muling isinagawa ang Oblation Run matapos ang tatlong taong pagkawala nito dulot ng pandemya.

Pasado alas-12:00 nang lumabas sa Palma Hall ng University of the Philippines Diliman Campus ang mga miyembro ng Alpha Phi omega para isagawa ang Oblation Run.

Dahil halos tatlong taon na hindi nagkaroon ng Oblation Run, napuno ng mga estudyante mga step ng Palma Hall.


Nakatuon ang kanilang panawagan ngayong taon sa paggiit sa academic freedom at ang panawagan ng pangangailangan sa mataas na sahod sa harap ng tumataas na inflation rates o mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Taong 2019 nang huling isagawa ang oblation run at noong 2020 ay online lang ang aktibidad dahil sa pandemya.

Facebook Comments