Occupancy rate sa Manila COVID-19 Field Hospital, 19% na lamang

Kinumpirma ng Manila-Local Government Unit (LGU) na 19% na lamang ang occupancy rate sa Manila COVID-19 Field Hospital (MCFH).

Mula sa 344 COVID beds sa MCFH, 65 na lamang ang okupado sa ngayon.

Ang kabuuang confirmed, active cases naman ngayon sa Maynila ay 1,150; habang ang total recoveries ay 64,336 at ang total deaths ay umabot sa 1,227.


Sa kabuuan namang COVID beds sa lahat ng quarantine facilities sa Maynila, 12 na lamang ang okupado mula sa kabuuang 870 beds.

Patuloy naman ang apela ng Manila City Government sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa pinaiiral na health protocols, tulad ng pagsusuot ng face mask, tamang paghuhugas ng kamay at social distancing.

Facebook Comments