Occupancy rate sa mga district hospital sa lungsod ng Maynila, bumaba na ng higit 30%

Bumaba na sa 36% ang occupancy rate sa anim na district hospital sa lungsod ng Maynila.

Sa datos mula sa Manila Health Department, bumaba sa 176 ang bilang ng mga okupadong kama mula sa 494 na inilaan na COVID-19 beds.

Nasa 13% naman ang occupancy rate ng quarantine facility para sa COVID-19 positive cases.


Katumbas ito ng 87 na mga okupadong kama mula sa 693-bed capacity.

Bumaba rin sa 31% ang occupancy rate ng Manila COVID-19 field hospital kung saan nasa 105 na kama ang okupado mula sa 344-bed capacity na inilaaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa kabila nito, pinag-iingat pa rin ng Manila Local Government Unit ang lahat ng mga residente upang huwag mahawaan ng virus kasabay na rin ng paalala na sumalang na rin sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments