Muling magsasagawa ng Oplan Tabang ang RMN Foundation sa mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng inyong RMN-DZXL 558 Radyo Trabaho at 93.9 iFM Manila.
Kabilang sa ipapamahagi ang hygiene kits, food packs tulad ng delata at bigas.
Unang pupuntahan ng team ang Barigon Elementary School sa Agoncillo, Batangas at sa Coral na Munti High School sa nasabing bayan.
Kabilang naman sa mga nakatuwang sa proyektong ito ang London Stock Exchange Group (LSEG), Maynilad at ACS Manufacturing Corporation.
Samantala, sa mga gusto namang magpadala ng donasyon makipag-ugnayan lamang sa official Facebook page ng RMN Foundation.
Facebook Comments