Oplan Tabang ng RMN Foundation sa Valenzuela City matagumpay; 1,000 food packs ipinamigay sa 6 evacuation centers sa lungsod

Naging matagumpay ang inilunsad na Oplan Tabang ng RMN Foundation sa Valenzuela City.

Nasa isang libong food packs ang ipapamahagi ng RMN Foundation, DZXL News, DWWW 774, iFM 93.9 Manila katuwang ang Metrobank Foundation at LSEG Manila Team.

Naglalaman ang mga food packs ng kape, bigas, de lata at mga biscuit para sa mga kababayan nating nasa evacuation centers sa Valenzuela dahil sa hagupit ng Bagyong Carina at habagat.


This slideshow requires JavaScript.

Tinungo ng RMN Foundation team ang anim na evacuation centers sa apat na barangay sa lungsod.

Sinabi naman ni Mavic Mariano ng Metrobank Foundation na asahan pang hindi ito ang huling Oplan Tabang katuwang ang RMN Foundation at mga himpilan ng RMN Networks.

Nagpapasalamat din ang RMN Foundation sa tulong ng Valenzuela City LGU at One TV Network upang maging maayos at matagumpay ang Oplan Tabang sa mga biktima ng Bagyong Carina at Habagat sa lungsod.

Ngayong araw nga ay lilipad naman patungong Cotabato ang RMN Foundations para magbigay ng ayuda sa 2,000 pamilya katuwang naman ang RMN Cotabato.

Facebook Comments