Ordinansa kontra Hospital Detention, ipinasa sa lungsod ng Valenzuela

Ipinasa na ng konseho ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang City Ordinance No. 1178 o ang “Anti-Hospital Ordinance”.

Ito’y upang maiwasan na ang panggigipit ng mga pribadong hospital sa mga pasyente na hindi makabayad o kulang ang pambayad sa kanilang bill.

Ang nasabing ordinansa ay bunsod ng ilang mga reklamo ng mga kamag-anak ng pasyente na na-admit sa Allied Care Experts o ACE Medical Center na gumagawa ng “palit-ulo” scam.


Nabatid na una ng naglabas ng warrant of arrest ang Valenzuela Metropolitan Trial Court Branch 109 laban kina Maria Cristina Eugenio, Raymond Masaganda at Samuel Delos Santos na pawang mga hospital staff ng ACE Medical Center sa kasong “slight illegal detention”.

Ito’y matapos na ma-hostage sa nasabing hospital ang kaanak ng pasyente dahil hindi nabayaran ng buo ang bill ng namatay kung saan nadagdagan pa ang mga nagrereklamo.

Hindi rin tumatanggal ng promisory note ang ACE Medical Center saka gigipitin ang kaanak na bayaran ng buo ang bill para makalabas na ang kanilang pasyente.

Sa naturang ordinansa, ang unang paglabag ay papatawan ng P200,000 na multa kasabay ng 30 araw na suspensyon ng business permit habang P300,000 at suspensyon ng 60 araw sa ikalawang paglabag kung saan P400,000 na multa at tuluyan ng suspensyon ng permit ang ipapataw.

Facebook Comments